TINATAYANG 51 estudyante ng Baguio City National High School ang nasugatan at ang ilan ay nawalan pa ng malay matapos magdulot ng panic at stampede ang earthquake drill na isinagawa ng Office of Civil Defense (OCD-CAR) at Baguio Fire Department (BFD) kaninang alas-10:00 ng umaga.
Base sa ulat ng on-call 911, 21 mga estudyante na karamihan ay Grade 6 at Grade 7 ang mga nagkaroon ng minor injuries habang 30 naman ang nawalan ng malay.
Ayon sa panayam sa radyo kay Adelina Macarubo, nurse ng nasabing paaralan, ang ilan sa mga nawalan ng malay ay dahil sa init ng panahon, habang ang iba ay hind pa kumain ng kanilang umagahan.
Habang tatlo sa mga estudyante ay dinala sa Baguio General Hospital and Medical Center dahil sa abdominal pains at pag-atake ng kanilang asthma.
Kinumpirma naman ni Macarubo na ligtas na ang kalagayan ng mga estudyante kung saan karamihan sa kanila ay agad din namang nakabalik sa kanilang classroom makaraang mabigyan ng paunang lunas.
Ipinahayag naman ni Alfredo Tolentino, MAPE teacher ng Baguio City National High School, dahil surprised drill ito kaya nag-panic ang mga estudyante at nagkaroon ng stampede.
The post Earthquake drill sa Baguio: 51 estudyante sugatan appeared first on Remate.