Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

9 mag-aaral nalason sa ‘jelly ace’

$
0
0

SIYAM na estudyante sa elementarya ang isinugod sa ospital makaraang malason sa kinain nilang jelly ace sa Pangasinan.

Kinilala ang mga biktima na sina Jasmine Jane Roquiza, 8; Erica Camacho, 9; Neo Junio, 11; Rio Gabrillo, 9; Jericho Isla, 12; Kim Junio, 11; Michaela Torres, 11; Ashley Orland, 11, at Carlo Springael 11, pawang mga estudyante ng Tamaro-Tambac Elementary School.

Nabatid na nakaranas ng pagkahilo, pagsusuka at pananakit ng tiyan ang mga biktima makaraang kumain ng biniling jelly ace.

Napag-alaman pa na ang mismong guro ng paaralan na si Madam Ma. Divina Yusilon ang nagsugod sa mga estudyante sa ospital.

Isinailalim na rin sa pagsusuri ang ibang natirang jelly ace kung ito talaga ang nagdulot ng pagkalason sa mga bata.

The post 9 mag-aaral nalason sa ‘jelly ace’ appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>