Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

LPA magpapaulan sa bansa ngayon

$
0
0

ASAHAN na magiging maulan ang malaking bahagi ng Pilipinas ngayong araw dahil sa namataang Low Pressure Area (LPA).

Ayon kay PAGASA forecaster Joey Figuracion, kabilang sa mga nakakaapekto sa ating bansa ay isang namumuong sama ng panahon at ang intertropical convergence zone (ITCZ).

Huling namataan ang low pressure area (LPA) sa layong 50 kilometro sa hilagang Silangan ng Surigao City.

Nakapaloob ito sa ITCZ, na umaabot ang rainband sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Gayunman, maliit na umano ang posibilidad na maging bagyo ang LPA.

Paliwanag ni Figuracion, nasa lupa na ang namumuong sama ng panahon kaya malabo na itong lumakas.

Kaugnay nito, patuloy na inaabisuhan ang mga naninirahan sa Visayas, Caraga at Northern Mindanao na paghandaan ang malakas na pagbuhos ng ulan na maaaring magdulot ng baha at pagguho ng lupa.

Ang Palawan, Bicol Region at iba pang bahagi ng ating bansa ay magiging maulap na may paminsan-minsang pag-ulan.

The post LPA magpapaulan sa bansa ngayon appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>