TARGET ng pamahalaang lungsod ng Maynila na isunod ang mga pampasaherong jeep, motorsiklo at maging mga kuliglig.
Bagamat umani ng batikos si Manila Mayor Joseph Estrada dahil sa bus ban, nanindigan naman ito na layon lamang ng pamahalaan na maging maayos at maluwag ang daloy ng trapiko.
Kaugnay nito, hihigpitan na rin ang mga pampasaherong jeep at iba pa sa Maynila.
Ipagbabawal sa mga driver ng pampasaherong jeep ang paninigarilyo habang namamasada, at pagsusuotin ng presentableng kausotan upang maging kaaya-aya sa paningin ng mga dayuhan.
Muling iginiit ni Estrada na legal ang bus ban sa lungsod at handa umano siyang harapin ang anumang demanda sa korte.
Magugunitang nagbabala ang Land rasportation and Franchising Reguatory Boars na ilegal ang bus ban dahil hindi ito dumaan sa konsultasyon at labag sa prangkisa na ipinagkaloob sa mga bus operators.
Ikinatwiran naman ni Estrada na mayroong kapangyarihan ang pamahalaang lungsod na i-regulate ang daloy ng trapiko sa lungsod.
The post Jeep, kuliglig, motorsiklo, hihigpitan sa Maynila appeared first on Remate.