INILAGAY na sa hightened alert ng gobyerno ang buong police at intelligence community sa Mindanao kasunod nang nangyaring pagsabog sa Cagayan de Oro.
Sinabi ngayon ni Interior Sec. Mar Roxas na ginagawa na ng mga imbestigador ang lahat para matukoy ang mga suspek sa insidente, na anim katao ang namatay at maraming iba pa ang nasugatan.
Samantala, taliwas din sa mga unang media reports, nilinaw ng kalihim na walang narekober ang mga awtoridad na shrapnel o metal fragments sa blast site, na magsasabing gawa sa bala ng mortar ang explosive device.
The post Mindanao inilagay sa ‘heightened alert status’ appeared first on Remate.