TINATAYANG aabot sa 14 na mga barangay sa lalawigan ng Maguindanao ang lubog sa tubig baha habang nasa 12 barangay naman sa lungsod ng Cotabato dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 30,000 mga pamilya ang apektado ng mga pagbaha sa naturang lugar.
Samantala, kanselado pa rin ang klase sa ilang lugar dahil sa binahang paaralan.
Partikular na naapektuhan ng mga pagbaha ay ang mga residente ng Sultan Kudarat sa Maguindanao dahil sa pag-ulan at pag-apaw ng ilog ng Rio Grande de Mindanao.
Patuloy naman ang monitoring ng NDDRMC sa mga pagbaha habang namigay na rin ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Maguindanao at Cotabato.
The post 14 na Brgy sa Maguindanao at Cotabato lubog sa baha appeared first on Remate.