Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Maralitang kababaihan, kinalampag ang Kongreso

$
0
0

NAGSAGAWA ng kilos protesta ang 100 maralitang taga-Quezon City sa gate ng House of Representatives para tutulan ang nakaambang demolisyon sa kanilang mga komunidad.

Nanawagan ang mga nagpoprotesta sa mga mambabatas na gumawa ng aksyon ang Kongreso tungo sa pagdedeklara ng pambansang pamahalaan ng moratorium sa nakaambang demolisyon sa libu-libong mga tahanan na malapit sa waterways.

“Hindi pinakinggan ng City Hall ang mga rekomendasyon ng mga maralita na gawan muna ng mga hakbang gaya ng dredging at pagtatayo ng retaining wall, bago pa man isipin ang pagpapaalis sa mga maralita,” ani Joms Salvador, Secretary General ng GABRIELA. Ilang komunidad na may mga chapter ng GABRIELA ang nakatakdang mapaalis gaya ng nasa Bgy. Bagong Silangan at Bgy. Tatalon.

Pumasok rin ang mga maralitang residente sa loob ng Kongreso matapos ang protesta  upang suportahan naman ang privilege speech ni Gabriela Women’s Partylist Rep. Emmi de Jesus ukol sa kanilang kahilingan. Una nang naghain ng resolusyon ang GWP upang kuwestiyunin ang arbitraryong pagtatakda ng taning na Hulyo 30 samantalang hindi naman pinapansin ang pormal na proposal na isinumite ng mga maralita mula sa Bgy. Bagong Silangan.

Matatandaang nakipag-dayalogo na nang makailang ulit ang mga residente ng Bgy. Bagong Silangan sa QC LGU simula pa noong matapos ang bagyong Ondoy kung saan ibinigay nila sa City Engineer’s Office ang proposal na kinonsulta pa nila sa mga siyentista mula sa organisasyong Agham.

Nakahanda namang hadlangan ng mga residente ang puwersahang pagpapaalis sa kanila. “Nangangamba kaming magiging marahas ang pagpapaalis sa mga residente gaya ng iba pang mga demolisyon. Sino nga ba ang hindi lalaban kung kinabukasan mo na ang nakasalalay? Dapat gawan na ng hakbang ng Kongreso sa lalong madaling panahon ang suliranin upang mapigilan ang pagpapaalis sa kanila,” dagdag pa ni Salvador.

Hindi man daw mapaalis ang mga residente sa Hulyo 30, nangangako silang tuluy-tuloy silang lalaban at gagawa ng mga hakbang upang mapigilan ang pagpapaalis sa kanila.

“Hindi malinaw ang tunay na motibo ng pagpapaalis sa mga residente. Kaduda-dudang kaligtasan ng mga residente ang dahilan, dahil hindi naman pinapaalis ang mga pribadong pag-aari na malapit sa waterways at nagdudulot ng malalaking pagbaha sa mga lugar malapit sa kanila. Ano ba talaga ang gustong mangyari ng QC?” tanong ni Salvador.

The post Maralitang kababaihan, kinalampag ang Kongreso appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>