Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Lolang matalak, tinodas; mister, nagbigti

$
0
0

PINANINIWALAANG pinatay muna ng isang Dutch national ang kanyang matalak na misis bago ito nagpakamatay sa Batangas, kaninang umaga (Agosto 1).

Base sa pagsisiyasat ng San Pascual PNP, pinatay muna sa pamamagitan ng pagdagan ng unan sa mukha ng banyagang si Johanea Halderman, 70-anyos, ang kanyang maybahay na si Maria Aguirre, 58-anyos, bago ito nagbigti.

Si Halderman ay natagpuang patay sa sahig at hinihinalang nagbigti ito dahil na rin sa lubid na nakapalupot sa kanyang leeg.

Habang natagpuan naman ang bangkay ng babae sa mismong kama nito na may nakatakip na una sa kanyang mukha.

Nadiskubre ang krimen dakong 6:25 ng umaga sa loob mismo ng bahay ng mag-asawa sa Barangay Alalum, San Pascual, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente ay tinangka munang sunugin ni Johanea ang itaas na bahagi ng kanilang bahay upang ikubli ang krimen pero hindi naman kumalat ang apoy.

Pero sa hindi malamang dahilan, nag-iba ang isip ni Halderman at sa halip ay nagbigit na lamang ito.

Ayon sa ilan sa mga kapitbahay, madalas na mag-aaway ang mag-asawa dahil hinihinala ni Maria na may ibang babae ang kanyang mister.

The post Lolang matalak, tinodas; mister, nagbigti appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>