PINALALAYAS na ng pamahalaan ang 16 Chinese nationals na iligal na nagmimina sa isang barangay sa San,Vicente,Ilocos Sur.
Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Environmental Division head Sixto Comia, tatlo hanggang 10 araw ang ibinigay na palugit sa mga intsik upang lisanin ang lugar.
Ito ay matapos matuklasan na iligal ang kanilang operasyon sa baybayin ng Nagtupacan, San Vicente, Ilocos Sur.
Kasama ng NBI na nagsagawa ng operasyon sa iligal na pagmimina ng mga dayuhan ang Special Action Force, Commission on Human Rights Region 1, Bureau of Immigration, Department of Environment and Natural resources at Mines and GeoSciences Bureau.
Bukod sa iligal na pagmimina, natuklasan din na expired na ang iprinisintang dokumento ng mga dayuhan.
Ayon sa NBI, agad nilang sisimulan ang pagsira sa ipinatayong imprastraktura na itinayo ng mga dayuhan kung saan dito iniimbak ang mga itim na buhangin.
Mayroon din nakitang corals sa kuwarto ng mga dayuhan.
The post 16 Chinese national, ipadedeport dahil sa iligal na pagmimina appeared first on Remate.