Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Tserman, mag-utol, lagas sa pananambang sa Pampanga

$
0
0

BUMULAGTA sa pananambang ang isang barangay captain at dalawa magkapatid na kasama nito nang ratratin ng motorcycle riding men sa Pampanga nitong Sabado ng gabi.

Pawang nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .45 sa dibdib at namatay noon din ang mga biktimang sina Rodrigo Tongol, 50-anyos, barangay captain ng Mesilipit, Bacolor town.

Nadamay naman sa pagatake ang dalawa sa pitong sakay ni Tongol, ang magkapatid na sina Pedro, 60-anyos at Merlito Pineda, 50-anyos.

Blangko naman ang pulisya sa kung sino ang may pakana ng pag-atake pero may palagay na  may kaugnayan ito sa pagtakbong muli ni Tongol bilang tserman sa ikalawang pagkakataon.

Sa ulat, naganap ang insidente na ikinasa habang bumubuhos ang ulan dakong 7 nitong Sabado ng gabi sa isang bisinidad ng Bacolor town.

Bago ito, minamaneho ni Tongol na tatakbong muli bilang tserman, ang barangay service vehicle at sakay ang pito pang kasamahan kabilang ang magkapatid na Pineda.

Pagsapit sa lugar, sinalubong ng mga putok ng baril na ipinatama ng mga suspect sa sasakyan  ng mga biktima.

The post Tserman, mag-utol, lagas sa pananambang sa Pampanga appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


Love with Heart Breaking Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


INUMAN QUOTES


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.