AGAW buhay ang isang kelot nang malapitang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek Sabado ng gabi, Aug. 3, sa Brgy. Catmo,. Malabon City.
Binigyan ng 50/50 tsansang mabuhay ng mga doctor ng Jose Reyes Memorilal hospital si Zaldy Salangsang, 31, binata, ng Purok 6 Catmon ng lungsod sanhi ng mga tinamong punglo ng kalibre .45 sa iba’t ibang parte ng katawan.
Mabilis namang tumakas ang dalawang suspek na naglakad lamang patungong katabing barangay Tonsuya bitbit ang ginamit na baril.
Ayon sa imbestigasyon ni P02 June Belbes ng Criminal Investigation Branch (CIB), ng Malabon pulis, dakong 11:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa nasabing lugar.
Nauna rito, naglalakad ang biktima pauwi ng bahay ng biglang harangin ng dalawang armadong suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.
Unang isinugod ang biktima sa Pagamutan Bayan ng Malabon (PBM) pero di nagtagal at inilipat sa Tondo Medical Center dahil sa malubhang kalagayan at muling inilipat sa JRMH.
Nakarekober sa pinangyarihan ang mga imbestigador ng dalawang basyo ng kalibre .45 na ginamit sa pamamaril.
Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing insidente.
The post Lalaki pinagbabaril, kritikal appeared first on Remate.