HABANG dumidikit kaninang umaga (Agosto 5) sa Palawan ang isang potential cyclone na nagdadala ng pagulan sa iba’t ibang parte ng bansa nito pang nakaraang linggo, isa pang potential weather disturbance naman ang sinisubaybayan ng weather forecasters.
Magkagayunman, hindi naman nabanggit ni PAGASA forecaster Connie Dadivas kung ang bagong weather system, na aniya ay nasa Pacific Ocean pa, ay maaring maging ganap na bagyo.
Samantala, sinabi ng PAGASA na ang LPA na malapit sa Palawan ay tinatayang nasa 150 km hilaga ng Puerto Princesa City.
Nauna rito, sinabi ng PAGASA forecasters na ang LPA na malapit sa Palawan ay posibleng maging ganap na bago sa loob ng 24 oras habang ito ay kumikilos pahilaga.
Kapag ang LPA ay naging ganap na bagyo habang nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas, tatawagin itong Kiko.
Sinabi ng PAGASA na ang LPA na nasa Palawan ay nakapaloob ng inter-tropical convergence zone ay maaring magdulot ng flash floods at landslides sa ilang parte ng Mimaropa, Visayas at Mindanao.
Habang makararanas naman ang Central Luzon, Calabarzon at ang Bicol Region ng “light to moderate rains becoming heavy during thunderstorms.”
Nauna na rin na inihayag ng Pagasa, na may dalawa hanggang tatlo pang bagyo ang nakatakdang pumasok sa teritoryo ng Pilipinas ngayong Agosto.
The post Bagyong Kiko dumidikit sa Palawan, 1 pang LPA namataan appeared first on Remate.