Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Informal settlers babalik din sa kanilang mga dinemolis na bahay

$
0
0

NAGBABALA ang grupong KADAMAY na babalik din ang  “informal settlers” na ililikas ng pamahalaan patungo sa mga off-city relocation.

Ito ang sinabi kanina Agosto 5, 2013  (Lunes) ni Carlito Badion,  national secretary general ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY),  sa planong paglilikas ng  80 maralitang pamilya na naninirahan sa Barangay Salapan, San Juan City na naninirahan sa gilid ng San Juan River patungo sa relokasyon sa Muzon, San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon kay Badion,nag-aaksaya lang ang gobyerno ng pondo sa pagtatayo ng mga off-city relocation, sapagkat napatunayang hindi ito ang solusyon sa pagharap ng  usapin sa  pabahay sa Metro Manila.

Sinabi pa nito na sa ilalim ng DILG Technical Working Group Report na inilabas noong Marso 15,2011, hindi ‘pro-poor’ ang mga off-city relocation ng gobyerno dahil sa pagiging malayo nito sa kabuhayan ng mga maralita, kaya’t inirekomenda nito ang pagtatayo ng mga in city-relocation para sa  ’informal settlers.’

Reaksyon ito ng Kadamay sa serye ng mga isinasagawang demolisyon sa Kamaynilaan sa grupo ng informal settlers.

The post Informal settlers babalik din sa kanilang mga dinemolis na bahay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129