NIYANIG ng 2.6 magnitude na lindol ang Davao del Sur kaninang madaling-araw, Agosto 6, 2013 (Martes).
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naramdaman ang lindol sa Silangan ng Santa Cruz, Davao del Sur, ala-1:20 ng madaling-araw.
Nabatid sa Phivolcs na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 030 kilometro.
Kaugnay nito, nauna rito naramdaman ang 2.8 magnitude na lindol sa Silangan ng Santa Cruz, Davao del Sur ala-1:02 ng madaling-araw kanina.
Nabatid sa Phivolcs na naramdaman ang lindol sa Silangan ng Santa Cruz,Davao del Sur at ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 053 kilometro.
Wala naman iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa naturang lindol .
The post Davao del Sur niyanig ng 2.6 magnitude na lindol appeared first on Remate.