PUMUTOK ang ulo ng isang baggage boy nang malaglag sa ikatlong palapag ng isang mall dahil sa kalasingan sa Naga City nitong Martes ng gabi, Agosto 6.
Nasa kritikal na kondisyon sa isang ospital ang biktimang si Ramon Toralba na bukod sa malaking sugat sa ulo ay nakuryente rin nang sumabit ang katawan sa kable ng kuryente bago lumagpak semento.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-10:40 nitong Martes ng gabi sa ikatlong palapag ng Naga City People’s Mall.
Ayon sa nakasaksi, lasing na lasing na umakyat ang biktima sa ikatlong palapag ng nasabing shopping mall at biglang nahiga sa gilid ng beranda.
Sa biglang pagbaling ng puwesto, nahulog ang biktima pero bago bumagsak sa sementadong sahig ay sumabit muna ang katawan nito sa kawad ng kuryente.
The post Lasing nahulog sa 3rd/flr ng mall, pumutok ang ulo appeared first on Remate.