DAHIL labis na pangungulila sa pagkamatay ng dalawang anak sa magkaibang lalaki, nagbigti ang isang ginang sa Tuburan, Cebu kaninang umaga, Agosto 7.
Nadiskubre ang nakabitin nang biktima na si Mildred Cedeno, 27, sa loob ng kanilang bahay ng kanyang mister na hindi nakuha ang pangalan.
Hinala ng pulisya na sobrang depresyon ang nagtulak sa biktima kaya nagpakamatay.
Si Cedeno ay tubong Badian at lumipat lamang sa Tuburan matapos mamatay ang unang anak sa kanyang unang asawa.
Sa kanyang paglipat, makilala nito ang bagong live-in partner at nagkaanak muli pero namatay din ang bagong silang na sanggol.
The post Ginang nangulila sa pagyao ng 2 anak, nagbigti appeared first on Remate.