SUGATAN ang pito katao kabilang ang driver makaraang mahulog ang isang pampasaherong dyip sa bangin sa Carmona, Cavite kaninang umaga.
Ayon kay Chief Inspector Armandi Dimabuyo, Carmona police chief, tinangkang mag-overtake ng driver ng dyip (DWX 668) sa kaliwa pero nakabig nito ang manibela hanggang tuluyang mahulog sa Bangkal bridge na may 20 hanggang 25ft ang lalim bandang alas-6:45 ng umaga.
Kabilang sa nasugatan ang drayber ng jeep na si Jericho Roxas na isinugod sa Philippine General Hospital, habang kinilala ang iba pang sugatan na sina Joseph Pacheco, Michelle Cardena, Erwin Espiritu, Rachel dela Paz, Lito Selano at Alfredo Pernaz, pawang isinugod sa Pagamutang Bayan ng Carmona.
Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injury ang drayber ng jeep.
The post Dyip swak sa bangin: 7 sugatan appeared first on Remate.