TODAS ang pangulo ng Philippine Constabulary (PC) Association of Western Visayas nang pagbabarilin sa harap ng pag-aari nitong restaurant na Papa Jim Sea Bounty sa Boliland garden food and drinks park sa Brgy. Bolilao, Mandurriao, Iloilo City.
Nakilala ang biktima na si Jimmy Punzalan ng Brgy. Cubay, Jaro, Iloilo City, na tinamaan ng bala ng baril sa mata at kanang kamay.
Nadaplisan naman ng bala sa tagiliran ang secretary at cashier sa restaurant na kinilalang si Shirley Cortez, 38, ng Lapuz, Iloilo .
Base sa pahayag ng cook sa restaurant na si Leo Latosa, dalawang ang namaril sa biktima na may bitbit na baby armalite rifle at mabilis na tumakas sakay sa gray na Fortuner matapos ang pamamaslang.
Nabatid pa kay Latosa na nakasuot ang mga suspek ng sumbrero at naka-T-shirt at shorts ngunit hindi niya namukhaan dahil kaagad siyang nagtago sa takot na siya ay balikan.
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad upang mabatid ang motibo sa pamamaslang at kung sino ang may sala sa naturang pagpatay.
Na-recover sa crime scene ang 16 na empty shells nang hindi pa ma-identify na kalibre ng baril at ito ay isasailalim sa laboratory examination.
The post Pangulo ng PC binoga, todas appeared first on Remate.