LAOAG CITY – Kalaboso ang isang lalaki matapos itong arestuhin ng Ilocos Norte Philippine National Police (PNP) sa umano’y pagpatay sa isang barangay chairman sa Bangui, sa nasabing lalawigan kamakailan.
Kinilala ang suspect na si Cirilo Tauyan, ng Barangay Abaca, Bangui, Ilocos Norte.
Ang suspect ay naaresto sa Marcela, Apayao matapos itong isumbong ng isang concern citizen.
Ayon kay Bangui deputy chief of police Inspector Joseph Tayaban, inakusahan si Tauyan sa pagpatay sa barangay chairman na nakilala lamang sa pangalang Boy noong 2008.
Sinubukang tumakas ng suspek pero mabilis ang mga police upang habulin ito at arestuhin.
Sa kasalukuyan, nakakulong ang suspect sa Bangui PNP detention cell ang suspect at nahaharap sa kasong murder.
The post Suspek sa pagpatay sa Tserman, kalaboso appeared first on Remate.