NANAWAGAN si San Fernando, Pampanga Bishop Pablo David sa mga paring Katoliko na maging vigilante laban sa mga magnanakaw matapos matangay ang isang lumang kampana sa isang simbahan sa Pampanga kamakailan.
Ayon kay David, dapat na paigtingin ang mga security measures upang mabantayan ang mga mahahalagang gamit sa loob ng mga simbahan.
“We just alerted priests to be more vigilant,” ani David.
Nauna rito, dalawang kampana umano ng isang maliit na simbahan sa Barangay San Vincente sa Bacolor, Pampanga ang ninakaw kamakailan.
Sinasabing makasaysayan ang mga naturang kampana dahil ang mga ito ang ginamit na instrumento noon sa pag-alerto at pagpapalikas ng libu-libong residente ng barangay nang dumaloy ang lahar sa kanilang lugar dahil sa pagsabong ng Mt. Pinatubo noong 1991.
Sinabi naman ni David na hindi na bago sa archdiocese ng Pampanga, na kilala sa ilang makasaysayang simbahan sa lugar na itinuturing na national treasures, ang pagnanakaw sa mga kampana dahil nangyari na rin umano ito noon sa ilang parokya ng Angeles, Magalang
at Porac.
Nabatid naman na sa Malolos diocese ay wala nang problema sa pagnanakaw ng mga kampana dahil nagpatupad na ang mga parokya ng intensified measures para protektahan ang mahahalagang pag-aari ng simbahan.
“We have no more problems with our church bells. We just strengthened our security and announced to the people to be alert, especially in barangay chapels,” ani Malolos Bishop Jose Oliveros.
Ayon naman kay Fr. Genaro Diwa, executive secretary ng Commission on Liturgy ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na madalas na targetin ng mga magnanakaw ang mga lumang kampana dahil antique na ang mga ito at dahil yari sila sa bronze.
The post Mga pari binalaan sa magnanakaw appeared first on Remate.