Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Military truck pinasabugan muli, 6 na sundalo sugatan

$
0
0

SUGATAN sa pananambang ang anim na sundalo matapos masabugan ng improvised explosive device (IED) ang kanilang military truck sa Agusan del Sur kaninang umaga (Agosto 8).

Sinabi ni Army Major Nilo Canesero na hinala nila  ang  mga miyembro ng New People’s Army ang naglagay  ng IED sa dinadaanan ng mga sundalo na pansamantalang hindi muna pinangalanan.

Tinutugis na ng awtoridad para  papanagutin sa krimen ang mga rebeldeng naghasik ng karahasan sa  lugar laban sa tropang militar.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga sa isang barangay sa Agusan del Sur.

Sinabi ni Canesero na sakay ang mga sundalo na kasapi sa  261th Infantry Battalion sa isang military truck at habang dumadaan sa lugar na 70 metro lamang ang layo mula sa isang elementary school sa Barangay Kauswagan sa Loreto town nang biglang  sumabog ang IED na ikinasugat ng anim na sundalo.

Isinakay ang mga nasugatang sundalo sa isang military helicopter para dalhin at ipagamot sa isang ospital sa  Cagayan de Oro City.

Nito lamang nakaraang Miyekules, sumabog din ang isang bomba sa Midsayap sa Cotabato province, pero wala namang nasugatan. Ilang oras ang nakalipas, pitong sundalo ang nasugatan din  nang magulungan nila sa kalsada ang isang improvised bomb sa Maguindanao province.

Ang insidente ay ikaapat nang pagsabog na naganap sa Mindanao matapos ang deadly Cagayan de Oro blast noong Hulyo 26 na ikinamatay ng 8 katao. Nitong nakaraang  Lunes lamang, walong katao naman ang nalagas nang sumambulat ang isang malakas na pagsabog sa Cotabato City.

The post Military truck pinasabugan muli, 6 na sundalo sugatan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>