KALABOSO ang isang sutil na anak na lalaki matapos tangkaing patayin ang kanyang ina dahil hindi natirhan ng ulam ang una sa Caloocan City Miyerkules ng gabi, Agosto 7.
Nahaharap sa kasong frustrated parricide si Cecilio Bautista, 45 ng Baltazar St., 6th avenue ng lungsod.
Inoobserbahan naman sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga palo ng kahoy sa ulo si Fely Bautista, 70, ng nasabing lugar.
Sa ulat, alas-11 ng gabi, umuwing gutom ang suspek subalit nang tignan ang kusina ay walang pagkain.
Nagalit ang suspek at kinompronta ang ina hanggang sa magtalo at kumuha ng patalim si Cecilio subalit bago maisaksak ay naawat ng mga kapatid.
Nang madisarmahan ay lumalabas ng bahay ang suspek subalit nang magbalilk ay may dalang kahoy at walang salitang ipinalo sa ulo ng ina.
Dinala ang biktima sa PDMMMC habang dinakip ang suspek ng mga rumespondeng barangay tanod at dinala sa presinto.
The post Sutil na anak tangkang pumatay ng ina appeared first on Remate.