Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Lalaki tinarakan ng kausap, tigbak

$
0
0

NASAWI ang isang 26-anyos na lalaki nang tarakan ito ng kanyang nakasagutang kapitbahay kagabi sa Pandacan, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Arvin Matacpac, ng 1901 Int., 1 Zamora St., Pandacan, Manila.

Namatay si Matacpac habang ginagamot sa Philippine General Hospital (PGH).

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilalang si Ramiro Budoy, 32 at kapitbahay ng biktima.

Sa report ni PO3 Lester Evangelista, ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 8:20 ng gabi nang naganap ang insidente sa harapan ng J. Luna Bakery sa Int., 1 Pandacan, Manila.

Nauna dito, nakita ang dalawa na nag-uusap hanggang sa humantong sa mainitang pagtatalo sa hindi malamang kadahilanan.

Umalis ang suspek subalit binalikan niya ang biktima at walang sabi-sabing pinagsasaksak ito sa dibdib at kaliwang tagiliran malapit sa kili-kili.

Inaalam pa kung ano ang motibo sa pagpatay.

The post Lalaki tinarakan ng kausap, tigbak appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>