IKINASA na sa Storm Signal number ang limang lugar sa Luzon sanhi ng Tropical Storm Labuyo (international codename Utor) na patuloy pang lumakas habang ito ay kumikilos pa-kanluran-hilaga kanluran.
Sa advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) kaninang 11 ng umaga, sinabi na ang Tropical Storm Labuyo ay huling namataan sa layong 570 kilometers silangan ng Virac, Catanduanes.
May lakas itong hangin dala na umaabot sa 85 kph (kilometers per hour) malapit sa sentro at may pagbugso na aabot sa 100 kph, at kumikilos ito ng pa-kanluran-hilaga kanluran sa bilis na 19 kph.
Sa linggo ng umaga, inaasahan itong nasa 240 km hilaga-silangan ngf Virac, Catanduanes at sa Lunes naman ng umaga ay tinatayang nasa bisinidad ng Cauayan City, Isabela.
Sa Martes naman ng umaga, inaasahan itong nasa 240 km hilaga-kanluran ng Sinait, Ilocos Norte o nasa northwest boundary ng Philippine area of responsibility.
Kabilang na mga lugar na nasa ilalim ng storm signals ay ang Cagayan, Isabela, Aurora, Quirino at Catanduanes.
Sinabi ng PAGASA na ang Tropical Storm Labuyo ay magdadala ng pagulan ng 5 hanggang 16 mm bawat oras (moderate to intense) sa kanyang 400-km diameter.
The post 5 lugar sa Luzon, signal number 1 na appeared first on Remate.