WALANG-AWANG ginahasa bago pinaslang ang isang taong-grasa na umano’y may diperensya sa pag-iisip sa Pangasinan kaninang umaga.
Ang bangkay ng hindi nakilalang biktima na nakasuot ng pantalon habang nakababa hanggang sa may paa ay inilarawan na 40-anyos, 4’11, kayumanggi, nakasuot ng itim na t-shirt at maong pants.
Wala pang ideya ang Pozzorubio PNP kung sino ang nasa likod ng karumal-dumal na krimen pero pinapalagay na ang may kagagawan nito ay lango sa ipinagbabawal na gamot.
Sa ulat, natuklasan ang bangkay ng biktima dakong 6 ng umaga sa isang liblib na lugar sa Barangay Bubunan sa bayan ng Pozzorubio sa Pangasinan.
Ayon sa mga residente, bago natagpuan ang bangkay ay huling nakita itong buhay na pagala-gala at nangangalakal ng basura sa lugar.
Pero maya-maya lamang ay nakita itong hinahabol ng dalawang hindi nakikilalang lalaki bago natagpuan na wala ng buhay sa gilid ng kalsada.
May malaking sugat ang biktima sa kanyang ulo na hinihinalang pinukpok ng matigas na bagay.
The post Taong grasa ginahasa, pinatay ng 2 adik appeared first on Remate.