MAY 53 pasahero na ang stranded sa Tabaco port kasunod ng pagpapalabas ng storm warning signal sa Bicol region dahil sa bagyong “Labuyo”.
Maliban sa pasahero ay mayroon ding tatlong truck, isang kotse at dalawang vessel ang stranded ngayon sa nasabing pantalan.
Ayon sa PCG-Bicol, mayroon din 9 na pasahero at apat na truck ang stranded sa San Andres, Catanduanes habang isang truck naman sa Virac.
Kaugnay nang ipinalabas na strom warning signal, pinagbawalan naman ng PCG ang mga mangingisda na maglayag.
The post 62 stranded sa Bicol region dahil kay “Labuyo” appeared first on Remate.