APAT ang nasawi sa naganap na panloloob sa Robinson’s Supermarket sa Rosario, Pasig City, pasado alas-11:00 kagabi.
Ayon kay Eastern Police director C/Supt. Miguel Laurel, pinasok ng apat na armadong lalaki ang establisimyento kung saan nakilala ang isa sa mga suspek na si Hernani Lupera, dating security guard ng tindahan.
Nanlaban ang ilang mga empleyado at guwardiya dahilan upang magpalitan ng putok at nasawi ang merchandiser na si Nonie Onas at mga guwardiya na sina Melanie Velga at Frederick Perez, Jr.
Nasawi rin ang suspek na si Lupera makaraang hampasin ng tubo ng isa pang guwardiya na si Juanito Bordadora.
Kaagad namang tumakas ang iba pang suspek.
Sa kasalukuyan, tinitingnan ng mga imbestigador ang kuha sa close circuit TV camera ng supermarket habang patuloy pa rin ang follow-up operations ng mga otoridad sa naganap na krimen.
The post Robinson’s nilooban, 4 patay appeared first on Remate.