Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

33 mangingisda missing sa Catanduanes

$
0
0

MAHIGIT 30 mangingisda na naglayag sa karagatan  ang iniulat na nawawala dahil sa pananalasa ng Bagyong Labuyo, ayon sa ulat kaninang umaga ng mga awtoridad.

Ayon sa ulat, naglayag noon pang Agosto 8 ang may 33 mangingisda mula sa Catanduanes kung kailan wala pang nakataas na public storm warning signal sa alinmang bahagi ng bansa pero hanggag ngayon ay hindi pa rin nakababalik sa kani-kanilang kabahayan .

Sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Region 5 Director Bernardo Alejandro  maaaring nangisda sa mga karagatan ng Quezon o Camarines Sur ang mga biktima na lulan ng  mga maliliit na bangka.

Panalangin ni Alejandro  makapagkubli sana sa mga isla o kaya’y sa alinmang pantalan ng Quezon o Camsur ang mga mangingisda na karamihan ay nagmula sa Virac, Igmoto at Baras at posibleng wala lang linya ng komunikasyon para makontak ang kani-kanilang pamilya.

Samantala, 10 iba pang mangingisda mula sa Igmoto, Catanduanes ang kasalukuyang nakahimpil ngayon sa Tabacco, Albay matapos mabalitaan ang parating na bagyo.

Sinabi pa ni Alejandro  inabisuhan na nila ang 10 mangingisda para manatili muna sa Tabacco at umuwi na  lamang kapag naalis  ang mga nakataas na public storm warning signal sa Bicol region.

Simula kahapon nang magkaroon ng storm warning signal ay hindi na pinahintulutang makapaglayag  ang mga mangingisda sa Catanduanes at nasabing rehiyon.

The post 33 mangingisda missing sa Catanduanes appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129