BINIGYAN lamang ni Metro Manila Police Head Chief Superintendent Marcelo Garbo Jr., ang kanyang mga tauhan ng tatlong buwan para mabawasan ang krimen ng 50 porsiyento sa five hotspots sa Metro Manila.
Pinatitiyak ni Garbo na maikasang mabuti ang peace-and-order sa Baclaran, Kalentong, Cubao, Monumento sa Caloocan, at sa University Belt sa Manila.
Ang mga nabanggit na limang lugar ay nauna nang pinangalanan na kabilang sa most crime-ridden places sa metropolis.
Sinabi sa ulat na ang deadline ni Garbo ay mas maaga pa ng isang taon kay mismong Philippine National Police Chief Director General Alan Purisima.
Naunang sinabi ni Purisima na nais niya na ang crime rate ay bababa sa 2015.
Nagpakalat na si Garbo ng mga stubs ng Metro Manila police’s new contact information via SMS at social media, para makatulong ang publiko sa anti-crime efforts ng kapulisan.
The post Mga opisyal sa NCR, binigyan ng 3 buwan para mabawasan ang krimen appeared first on Remate.