LA UNION – Sa kasagsagan ng bagyong Labuyo, isang 42-anyos na lalaking lasing ang nalunod matapos itong lumangoy sa dam, sa Barangay Butubot Norte, Balaoan, La Union, kaninang umaga.
Kinilala ng Balaoan Philippine National Police (PNP) ang biktimang si Dimetro Orodio, residente ng nasabing barangay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng local na police, uminom ang biktima kasama ang ilang kaibigan na malapit na dam at nagdesisyon itong (biktima) maligo kahit kalakasan ng ulan.
Inaawat umano ng mga kaibigan ng biktima na huwag nang maligo pero tumuloy pa din umano ito.
Sa pagtalon ni Orodio, ay hindi na lumutang ito hanggang matagpuan ito sa hindi kalayuang lugar ng dam.
The post Lasing naligo sa dam, patay nang lumutang appeared first on Remate.