Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

3 pintuan ng Magat dam, binuksan

$
0
0

Updated: TATLONG pintuan ng Magat Dam sa Isabela ang binuksan kaninang umaga, Agosto 12, bilang paghahanda sa malakas na pag-ulan na dulot ng Typhoon Labuyo (Utor) sa Northern Luzon, ayon sa ulat ng state hydrologists.

Sinabi ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) hydrologist Elmer Caringal na pasado alas -3 a.m., ang water level ng nasabing dam ay nasa 186.16 meters, na mas mababa sa 193-meter maximum level.

“Mababa ito sa normal, preparation lang ito para sa padating ni Labuyo. Dadaan sa North Luzon so expect natin affected ang Magat,” pahayag ni Caringal.

Ang water level aniya sa Ipo Dam naman sa Bulacan ay 100.8 meters, na bahagyang mas mataas sa maximum level na 100.2 meters, pero idinagdag pa mas maliit naman ang tiyansa na bumuhos sa Bulacan.

“Ayon sa PAGASA, posibleng kinakaya pa ng dam ang tubig kaya ‘di pa ito nagbubukas ng gate sa mga oras na ito”  pahayag ni GMA resident meteorologist Nathaniel Cruz.

Pero kung sakaling bumuhos ang malakas na ulan sa Bulacan, sinabi ni Caringal na may posibilidad na pabubuksan ng PAGASA ang pintuan ng Ipo Dam.

Sa kabilang dako, ang water level aniya sa Angat Dam sa Bulacan ay 189.88 metro, na mas mababa sa 210-meter maximum level.

Para naman sa Ambuklao at Binga Dams sa Benguet, sinabi ni Caringal na ang sobrang tubig ay maaaring dumaloy sa San Roque Dam sa Pangasinan, na ang water level ay mas mababa sa 280-meter maximum level.

Samantala, ang Pantabangan Dam sa Nueva Ecija ay may water level na 36.41 meters na mababa sa 221-meter maximum level.

The post 3 pintuan ng Magat dam, binuksan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>