HUMINA ang bagyong Labuyo habang tinatahak nito ang hilagang Luzon palabas ng Philippine Area of Responsability kaninang tanghali Agostos 12,2013 (Lunes).
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) namataan ang mata ng bagyong Labuyo sa bisinidad ng Baguio City dakong 10:00 ng umaga kanina.
Sinabi ng Pagasa na nakataas ang babala ng signal number 3 sa mga lalawigan ng Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mt.Province, Ilocos Sur, Benguet, La Union at Pangasinan.
Habang nakataas naman ang signal number 2 sa Isabela,Aurora, Southern Cagayan, Kalinga, Abra, Southern Ilocos Norte, Zambales, Tarlac at Nueva Ecija.
Nakataas naman signal number 1 sa ilang bahagi ng Cagayan,Apayao,Rest of Ilocos Norte, Babuyan and Calayan Group, Pampanga, Bulacan, Bataan, Rizal, Northern Quezon kabilang ang Polilio Island at Metro Manila.
Nabatid sa Pagasa na ang bagyong Labuyo ay may lakas ng hangin na 140 kilometro bawat oras (kph) malapit sa gitna at may bugso ng hangin na aabot hanggang 170 kilometro bawat oras (kph).
Ayon pa sa Pagasa inaasahang si Labuyo ay nasa 360 kilometro ng Kanluran ng Sinait,Ilocos Sur ngayong umaga o nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Kaugnay nito nagbabala ang Pagasa ng posibleng flashflood at landslides sa mga lugar na nakataas ang signal number 3,2,at 1 at ang mga mababang lugar sa gilid ng mga bundok.
The post Bagyong Labuyo humina; papalabas na ng bansa appeared first on Remate.