PATAY ang 74-anyos na lola nang patayin ng apo ng kanyang kinakasama sa loob mismo ng kanyang bahay sa Ragay, Camarines Sur, sa ulat ng awtoridad.
Kinilala ang biktima na si Anastacia Aklan, ng Barangay Tagbac, naturang bayan.
Ayon sa pahayag ng ka-live-in ng biktima na si Eufroncio Cordero, 79, inihabilin niya si Anastacia sa kanyang apo na si Genesis Cordero dahil may bibilhin siya sa bayan, nang madatnan niyang patay na ito.
Pagnanakaw ang nakitang motibo sa krimen nang maabutang sira na ang cabinet ng biktima at nawawala ang tagong pera nito na umaabot sa P150,000.
Mga saksak sa katawan ang kumitil sa buhay ng matanda.
The post Lola inutas ng apo ng ka-live-in appeared first on Remate.