TIGOK ang isang tricycle driver nang pagpapaluin ng baril ng galit na suspek kaninang madaling-araw sa Brgy. Longos, Malabon City.
Dead-on-the-spot sa pinangyarihan si Mark Alcantara y Diaz, 25, may live-in partner, ng Barangay Longos ng lungsod sanhi ng mga palo na ikinabasag ng ulo.
Arestado naman ang suspek na nakilalang si Jake Emaluga, 36, ng Blk 9 Hiwas St. ng nasabi ring barangay.
Base sa imbestigasyon ni Sp01 Edcel Dela Paz, ng Criminal Investigation Branch (CIB) ng Malabon pulis, dakong 2:10 kaninang madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Parros Alley, Longos.
Sa pahayag ng saksing si Jhoan Panoy, 18, live-in partner ng biktima, nakita nitong nakatayo ang suspek sa nasabing kalye na tila may inaantay at di naglaon dumating ang kanyang partner at agad itong hinawakan sabay tutok ng baril subalit hindi pumutok kaya pinagpapalo na lang ni Emaluga ng puluhan ng baril ang ulo ng biktima.
Narekober sa pinangyarihan ang kalibre .38 na may bala matapos iwanan ng suspek bago tumakas pero agad naman naaresto ng mga nagrespondeng pulis.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at inaalam ang impormasyon kaya pinatay ng suspek ang biktima matapos di maibigay ang kabayaran ng droga.
The post Tricycle driver pinalo ng baril, patay appeared first on Remate.