Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

UPDATE: P20-M nasunog sa Taguig

$
0
0

AABOT sa mahigit P20 milyon halaga ng mga ari-arian ang napinsala makaraang lumiyab ang pabrika ng pintura na ikinadamay ng isa pang pabrika kaninang umaga sa Taguig City.

Nabatid kay Arson Investigator Sr./Insp. Severino Sevilla, hepe ng operations ng Taguig City Fire Department, may posibilidad na umabot sa tatlong araw bago tuluyang maapula ng mga bumbero ang sunog na nagsimula dakong alas-9 ng umaga.

Batay sa ulat, nagsimula sa DIC Company na kilalang pagawaan ng pintura ang sunog kung saan nadamay ang warehouse ng pabrika ng tissue na Sanitary Care Products of Asia (SCPA).

Kasalukuyan namang kontrolado na ang apoy sa DIC Company at tinututukan na lamang ang pagkalat pa ng apoy sa katabi pang kumpanya at residential area.

Tig-P10 milyon ang sinasabing danyos sa naganap na sunog sa dalawang pabrika na umaabot sa mahigit P20 milyon.

Patuloy na iniimbestigahan ang dahilan ng sunog na patuloy pa ring inaapula habang isinusulat ang balitang ito kung saan pabalik balik pa rin sa naturang lugar ang mga trak ng bumbero.

Ayon sa ilang nakasaksi, nagmula sa maliit na apoy ang naganap na sunog kasunod ng malakas na pagsabog mula sa laboratoryo ng pagawaan ng pintura.

Napag-alaman na nagsilikas na rin ang mga residente sa naturang lugar dahil sa takot na madamay ang kanilang mga tahanan sa naturang sunog.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129