INIULAT ng Department of Health (DOH) na ante-bisperas pa lamang ng Bagong Taon (Disyembre 30) ay nakapagtala na sila ng 173 bilang ng revelry-related injuries.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), na naitala ang naturang bilang mula Disyembre 21 hanggang 6:00 ng umaga ng Disyembre 30.
Kabilang aniya rito ang 171 na nasugatan dahil sa paputok, isa ang sanhi ng stray bullet at isa ang firework ingestion.
“As of 6 a.m. Dec. 30, the total firework-related injuries (climbed to) 173: 171 due to fireworks, one stray bullet, and one case of firework ingestion,” tweet pa ni Tayag.
Nilinaw naman ng health official na mas mababa pa rin ang naturang bilang kumpara sa kahalintulad na bilang noong nakaraang taon kung kailan nakapagtala ng 216 revelry-related injuries, na kinabibilangan ng 206 fireworks-related injuries, walong stray bullet at dalawang firework ingestion.