PAGTAPOS ng kanyang termino sa 2016 ay wala nang balak pang tumakbo sa mas mataas na posisyon si dating pangulo at Manila Mayor Joseph Estrada.
Ayon sa alkalde, layon na lamang niya na pagsilbihan at tulungan ang mga Manilenyo na walang sawang sumusuporta sa kanya.
Matatandaang may mga balita na posibleng tumakbong muli sa mas mataas na pwesto sa 2016 si Erap matapos matagumpay na mahalal bilang alkalde ng Maynila.
“Ang aking huling mga taon sa aking buhay ay inilalaan ko na sa mga Manilenyo,” ani Estrada.
“Malaki ang pagmamahal ko sa Maynila. Wala na akong hangarin kundi ito na lang.”
The post Erap di na muling kakandidato appeared first on Remate.