NALAGAS sa ambush ang isang police escort habang sugatan naman ang isa pa at isang miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) nang ratratin ng mga armadong kalalakihan sa Gapan, Nueva Ecija kaninang umaga, Agosto 13.
Hindi naman pinangalanan ni Nueva Ecija Provincial Director, Sr. Supt. Alvin Nieves, ang namatay na biktima pero kinumpirma na ito ay isang pulis at police escort ni Amiel Pascual, isang VACC member.
Kapwa sugatan naman at itinakbo sa pinakamalapit na ospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si Pascual at isa pang close in security na hindi nakuha ang pangalan.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-11:35 ng umaga sa isang parte ng national highway ng Gapan, Nueva Ecija.
Bago ito, lulan sa kanilang sasakyan ang mga biktima nang paulanan ng putok ng baril ng mga suspek na lulan sa isang motorsiklo, may backup pa na kotse.
Matatandaang niratrat na rin si Pascual at kapatid nito ng mga tauhan umano ni dating Gapan Mayor Ernesto Natividad sa isang sabungan sa lungsod, kaya si Amiel ay nagpa-miyembro agad ng VACC.
The post Police escort todas, VACC, 1 pa sugatan sa ambush appeared first on Remate.