PATAY na nang matagpuan ang isang babaeng tinangay ng rumaragasang baha habang nasa ibabaw ng kanyang kubo sa Isabela noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Labuyo.
Ang babae na si Benny Labio, 40, ay nawala noon pang Lunes nang umapaw ang river bank sa Barangay Masaya Sur, San Agustin sa Isabela.
Dakong 1:14 kagabi nang natagpuan ng pinagsanib na pwersa ng PNP San Agustin at ng 86th Infantry Battalion ng Philippine Army ang bangkay ni Labio sa Barangay Dipangit, Jones.
Dinala na sa isang punerarya sa nabanggit na bayan ang bangkay para sa awtopsiya.
Kamakalawa ng alas 10:00 ng umaga nang puntahan ng ginang ang kanilang kubo malapit sa ilog subalit hindi niya namalayan na tumaas na pala ang antas ng tubig sa nasabing ilog.
Nakunan pa ito ng video habang siya ay nasa bubungan at maging ang aktuwal na inaanod ito ng malakas na agos ang kanyang kubo.
Nagawa pa nitong kumembot-kembot at itaas ang kanyang kamay bago nilamon na ito at ang kanyang kubo ng malakas na alon.
Maging ang ilang international media ay paulit ulit ding ipinapalabas ang naturang kuha kay Labio na sinasbaing may diperensya sa pagiisip.
The post Babaeng na-video sa bubong ng kubo, nakitang patay appeared first on Remate.