SUGATAN sa aksidente ang isang estudyante ng University of Santo Tomas (UST) nang tumaob ang kanyang minamanehong kotse sa Quezon City Memorial Circle kaninang umaga.
Nagtamo ng kapansanan sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan ang 18-anyos na binatang hindi nakuha ang pangalan at engineering student sa UST.
Sa ulat ng Quezon City Traffic police station 4, naganap ang insidente dakong 7:35 ng umaga sa Elipitical Road sa Barangay Sentral, Q.C.
Ayon kay P03 Renato Sunga, minamaneho ng biktima ang kanyang Honda Civic Hatchback na may plakang TFF-425 at sa hindi pa malamang dahilan ay biglang inararo nito ang mga nakahilerang steel fences sa kalsada at bago tumaob ay binuwal pa ang isang puno na nasa pathway ng QC Memorial Circle.
Rumesponde naman agad ang rescue team ng awtoridad at nilagyan muna ng support ang leeg ng biktima bago isinugod sa pinakamalapit na ospital.
The post Kotse tumaob sa QC circle; estudyante, sugatan appeared first on Remate.