Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

5 katao nalason sa kinaing almusal sa Pasay

$
0
0

NALASON dahil sa kinaing almusal ang lima katao kabilang ang tatlong estudyante na dumalo sa Go Negosyo Filipino Technoprenuership summit na ginanap sa SMX Mall of Asia sa Pasay City.

Batay sa tinanggap na ulat ni Pasay City police chief S/Supt. Rodolfo Llorca, kinumpirma ni Dr. Grace Sanchez ng San Juan De Dios Hospital na dumanas ng acute gastroenteritis na posibleng dulot ng food poisoning sina Omar Ryan Vicentino 17, Czarina Castillo, 16, kapwa estudyante ng Far Eastern University, Ann Janet Castilla, 19, estudyante ng Polytechnic University, Anna Marie Herrera, 29 marketing consultant ng GiveMe Unlimited Inc. at Liza Lee, 28, Admin assistant ng Go Negosyo.

Sa imbestigasyon, alas-9:30 ng umaga nang kumain ng almusal na ipinamahagi sa ginanap na summit ang mga biktima na kinabibilangan ng fried rice, itlog at sausage na nakalagay sa Styrofoam.

Ilang minuto lamang ang lumipas ay nakaranas na ng pagkahilo, pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae ang lima kaya kaagad silang isinugod ng mga kasamahang lumahok din sa summit sa pinakamalapit na pagamutan.

Napag-alaman na tumanggi na rin ang mga biktima na maghain ng kaukulang reklamo matapos lumagda sa isang waiver na magpapatunay na wala nang pananagutan ang pamunuan ng SMX at maging ang Go Negosyo sa nangyari.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129