Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Mag-asawang tulak ng droga, tiklo ng PDEA

$
0
0

ISANG mag-asawa na umano’y tulak ng iligal na droga sa Caloocan City ang dinakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa inilunsad na search warrant operation noong August 12, 2013.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang nahuling mag-asawa na sina Narzarion Tolentino, 63 anyos, barangay tanod at asawang si Rowena Tolentino, 45 at kapwa residente sa 49 Bisig ng Nayon, Barangay 4, Sangandaan, Caloocan City at kapwa nasa target list sa Caloocan City.

Inaresto ang dalawa nang pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office National Capital Region (PDEA-RO-NCR) sa pangunguna ni Atty. Jacquelyn De Guzman, SAID-SOTG Caloocan PNP at SWAT Caloocan PAP matapos maglabas ng search warrant si Hon. Ma. Theresa E. De Guzman, Executive Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 131 sa Caloocan City.

Nakumpiska sa mag-asawa ang isang .22 caliber revolver na may apat na bala, isang .38 caliber revolver na may limang bala, dalawang sachet ng shabu at isang bank book na nakapangalan sa babae.

Dahil dito, ang mag-asawa ay kinasuhan ng paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of R.A. 9165, at karagdagang kaso ng paglabag sa Republic Act 10569, or Illegal Possession of Firearms and Ammunition.

The post Mag-asawang tulak ng droga, tiklo ng PDEA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>