HINDI inakala ng isang snatcher na magagawa pang makihabol ang lolang biniktima sa Valenzuela City, Miyerkules ng umaga, Agosto 14.
Kulong ang suspek na si Jomar Pesnorio, 18, ng Lamoda St., Canumay West ng lungsod.
Base sa ulat, alas-10:30 ng umaga, naglalakad ang biktimang si Beatriz Ang, 59, habang kipkip ang pouch na naglalaman ng P13,000, sa Filomena St., Balubaran ng lungsod nang hablutin ng suspek ang pouch sabay takbo papatakas.
Sumisigaw na humabol ang biktima na narinig ng ilang tambay na naging dahilan upang makihabol hanggang sa maabutan at madakip ang suspek at mabawi ang pera ng lola.
The post Snatcher ‘di umubra sa lola na biniktima appeared first on Remate.