SINAKSAK at napatay ng lalaking ipapasok sa kulungan ang isang jailguard nang paghubarin nito ng sinturon ang huli pero ang buckle pala nito ay hinubog na improvised knife sa Aurora province kaninang umaga, Agosto 18.
Siyam na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinamatay ng biktimang si Jail guard Eric Quiñones, miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Bukod naman sa kasong illegal possessions of deadly weapon sanhi ng pagdadala ng 2 baril at isang patalim, ipaghaharap din ng kasong murder ang suspek na si Alvin Gado dahil sa pagpatay kay Quiñones.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8:45 ng umaga sa inspection room ng Aurora provincial jail.
Bago ito, nahuli ang suspect na si Gado dahil sa pagdadala ng dalawang baril, mga bala at patalim sa isang videoke bar.
Pero dahil bahagi ng standard operating procedure (SOP) ng nasabing piitan na kailangang tanggalin ang sinturon ng mga suspect na ipapasok sa kulungan, ipinatutupad ang body search kay Gado.
Lingid kay Quiñones, ang buckle ng sinturon ng suspect ay isa palang improvised na patalim at ito siyang ibinaon ni Gado sa katawan ng biktima.
The post Jailguard todas sa kelot na ipapasok sa selda appeared first on Remate.