UMAKYAT na sa 37 ang bilang ng mga namamatay sa banggaan ng pampasaherong barko ng 2Go Shipping at cargo vessel ng Sulpicio Lines sa Talisay City, Cebu.
Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) Headquarters na ang pinakahuling narekober na bangkay ay dalawang bata at isang matanda na pawang hindi pa kinikilala.
Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 831 ang sakay ng M/V St. Thomas Aquinas 1 ng 2Go habang 38 ang lulan ng M/V Sulpicio Express 7.
Ligtas ang mga sakay ng cargo vessel kaya pawang mga pasahero ng 2Go ang naitatalang casualties.
Samantala, mula sa 37, 23 pa lamang ang nakikilala na sina Domingo Anonat, Alfonso Camanzo, Jonathan Cabural, Romulo Escrupolo, Niceta Ancla, Teogenes Jabines, Armida Manalon, Hilario Maligro, Lolita Butao, Artemia Bonotan, Vicente Ancla, Evelyn Caro, Cresencia Colipano, Nilen Manosa Menia (crew), Antonio Arbutante, Joshua Rene Diaz, Cherry Durano Julius Flores, Eugenia Balacuit, Horonata Laag, Queenie Galope, Jane Sanchez, Jessame Pigar Bacia.
Una nang inihayag ni Transportation Secretary Jun Abaya na lumubog ang passenger vessel matapos mabangga ng barko ng Sulpicio.
The post Patay sa banggaan ng 2 barko sumirit sa 37 appeared first on Remate.