ISANG 56-anyos na lalaki ang nasawi matapos mahirapan huminga habang nasa loob ng isang motel sa Quezon City kahapon ng umaga Agosto 18, 2013 (Linggo).
Kinilala ang biktima na si Augustin Buena, may-asawa, ng 205 Area 1-A Luzon Avenue, Brgy. Old Balara, QC.
Si Buena ay idineklarang dead-on-arrival ni Dr.Christina Garcia ng Fairview General Hospital matapos isugod sa naturang pagamutan.
Ayon sa ulat ni PO2 Marlon Dela Vega, ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nanikip ang dibdib ng biktima habang nasa loob ng Travelers INN hotel sa Commonwealth Avenue, Market,Brgy. Commonwealth, QC dakong 10:30 ng umaga kahapon.
Sinabi sa ulat na nagcheck-in ang biktima kasama ang isang Jennelyn Idala,27 sa naturang motel nang biglang manikip ang dibdib ng una.
Agad humingi ng tulong ang kasama ng biktima sa mga staff ng motel dahilan para isugod ito sa naturang ospital.
Subalit makalipas ang may 1 oras binawian ng buhay ang biktima habang sinisikap ng mga manggagamot na maisalba ang buhay nito.
The post Lalaki namatay sa motel sa QC appeared first on Remate.