Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

State of calamity idineklara sa Cebu town; kaswalidad umakyat pa sa 52

$
0
0

INILAGAY na ang Cordova town sa Cebu sa ilalim ng  state of calamity sanhi ng oil spill na nilikha ng banggaan ng dalawang sea vessels na ang kaswalidad ay sumirit pa sa 52 buhay.

Sinabi ng Cordova’s local government  na naglaan na sila ng P1.5 milyon para sa  kanilang mga mangingisda na ang mga kabuhayan ay naapektuhan ng oil spil.

Dahil din sa insidente, may 700 “lapu lapu” (grouper fish) sa Cordova’s fish pens ay namatay sanhi ng oil spill.

Kalahati ng suplay ng isda sa Metro Cebu area ay mula sa Cordova.

Samantala, isang bangkay na pinaniniwalaang kabilang sa biktima ng trahedya sa karagatan noong nakaraang Biyernes ang natagpuan sa karagatan ng Cordova.

Nitong nakaraang Biyernes lamang, lumubog ang  passenger vessel MV Saint Thomas Aquinas 1 ng 2GO Shipping matapos magbangga sa cargo ship MV Sulpicio Express 7 ng Philippine Span Asia Carrier Corp.

Sinabi naman ng Philippine Coast Guard na may 52 na bangkay ang narekober habang 750 passengers naman ang nasagip. Sinasabi rin na 68 pa ang nananatiling nawawala.

The post State of calamity idineklara sa Cebu town; kaswalidad umakyat pa sa 52 appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>