ISANG fetus ang itinapon sa gilid ng isang junkshop sa Quezon City kaninang umaga,Agosto 19,2013 (Lunes).
Ayon kay PO2 Habery Tigle, ng Quezon City Police District station 6 Batasan, natagpuan ang fetus sa tapat ng RJC junkshop Motorolla St., Brgy. Commonwealth, QC dakong 10:00 ng umaga.
Sinabi sa ulat na ang fetus ay tinatayang nasa 5 hanggang 6 na buwang gulang at nakasilid sa isang paper bag na may plastic na may nakabalot ng Puregold at iniwan sa gilid ng junkshop.
Nadiskubre ang fetus matapos buksan ang paper bag na inakala naman na isang kalakal.
The post Fetus,itinapon sa junkshop appeared first on Remate.