Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Residente sa CAMANAVA, inilikas

$
0
0

UMABOT na sa 17 pamilya katumbas ng 71 katao ang inilikas sa Pasolo Elementary School habang nasa 13 pamilya na may 65 katao ang nasa evacuation center sa San Bartolome Covered Court kung saan 39 na pamilya na may 153 katao ang mananatili sa Valenzuela National High School at 25 pamilya na may 113 katao ang nasa LFS Chapel sa Veintereales na mga binaha sa Valenzuela City.

Sa Malabon City,  puwersahan nang inilikas ang mga nakatira sa gilid ng Tullahan River at dinala Potrero Elementary School ang 120 pamilya na may 500 katao habang 84 pamilya naman kabilang ang 265 katao ang inilikas sa Victoneta ng lungsod.

Ayon kay Malabon Mayor Antolin Oreta III, minabuti nilang puwersahin ang mga residente na lumikas dahil sa banta na umapaw ang Tullahan River, dahil posibleng magpakawala ng tubig ang La Mesa dam.

Sa Navotas naman, laking pasasalamat ni Navotas Mayor John Rey Tiangco at hindi tumaas ang tubig baha sa kabila nang sumabay pa ang high tide dahil naging matagumpay ang ginawang paglilinis ng mga kanal at iba pang daluyan ng tubig at gumagana ng husto ang 39 pumping station.

Walang naiulat na inilikas ang Caloocan City dahil kahit may mga binahang lugar ay hindi na kinailangan ilikas ang mga apektadong pamilya, Ayon kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan.

The post Residente sa CAMANAVA, inilikas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129