UMAPAW na alas-11 ng umaga ang La Mesa dam sa Quezon City, ayon kay Jeric Sevilla, head for corporate communications ng Manila Water.
“The water in the dam is steadily rising because of heavy rains,” dagdag pa nito.
Sinabi ni Sevilla na ang excess water o sobrang tubig ay inaasahan na dadaloy sa Tullahan River at maaaring magdulot ng pagbaha sa Fairview at sa Camanava area.
Umapela rin si Sevilla sa local government units na sabihan ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na lumikas agad bago pa mahuli ang lahat.
Sinabi ni Sevilla na alas-11:45 a.m., ang water level ng dam ay nasa 80.16 meters, na mas mataas sa spilling level nito na 80.15 meters.
“We are calling on residents along the Tullahan River to heed the call for evacuation as the rains are expected to worsen this afternoon,” dagdag pa ni Sevilla.
The post UPDATE: La Mesa dam, umapaw na appeared first on Remate.